TRUE LOVE OHW. ?? XD AHAHA ..
April 24, 2009
PAG-IBIG NGA NAMAN ..
Anu nga ba ang tinatawag na true love ? bakit madami ang naniniwala dito? One more thing, bakit karaniwan ng naniniwala dito ay ang mga kabataan? Nag post ako ng tungkol dito dahil sa isang kakilala , kaibigan , tropa , at kung anu anu pa.
What is True Love?
ayan. Eto na ang definition.
- True Love is one hundred percent dedication of the partners towards one another, and a commitment so strong that it goes for the life. It is the union of two souls which appears as two bodies to the world, but the partners feel themselves as one. True Love is not a one man show, but a team effort of trust, loyalty, security, dependability, love, emotions, dreams, aspirations, and commitments. No wonder, it is so difficult to accomplish!
Gaya ng ibinigay kong definition , kapag sinabing trye love .. parang you’re dealing with two persons as one. Kung ano ka, yun din siya. But not in the compatibility. Get it? Hehe .. still , madaming nagtatanong na kung paano b ito malalaman o mararamdaman? O di kaya paano nalalaman na true love nga ito? Madaming tanong di ba?
What does it take to fall in True Love?
ayan . isa pang malupit na tanong.
True Love is a truth of nature. And like every truth, there are consequences associated with the path you decide to take. Just like life is led partly and partly it leads us; love is partly our effort and partly it dictates us - so be ready to expect the unexpected. There are essentially two qualities that are needed to see and feel the power of True Love in the lifetime:
- the capacity to love
- the right attitudes
base sa mga qualities na iyan ay marami kang ma dedevelop na attitudes mo. Kahit may mga guide ka sa true love na ito. Kagaya ng post ko na ito lagi mong tatandaan na maraming pedeng mangyari o mabago.
do always bear in mind that a lot of emotions are involved, and that tough decisions need to be made. A goal like True Love is not always easy, and sometimes so difficult as to seem impossible. Bear in mind that while living is playing with your own life, True Love is playing with the future of two lives! So, it’s not an easy ride; but the efforts on True Love are more than worth of the troubles and highly rewarding, when successful.
What should I be ready to take, when I go ahead with the search of True Love?
Be ready to take failure. This means, one should be ready to take rejection, hurt, pain, and still live on for a fresh search. A failure in this attempt has so much pain and agony, only one who has felt it may best describe. But bear in mind that if failure is so painful, so should the efforts at making it work be as strong! So, be ready to take difficulties, and fulfill your responsibilities to make this relationship work. If you are facing difficulties on the path of True Love, then it means it needs more fuel put in, more efforts to go in, more sacrifices to be made - by both the partners.
-wen u take the risk of falling in love , anjan palagi ang failures , always remember na di ito nawawala. Maraming pedeng mabago kagaya ng sinabi ko sa unahan kanina.
The qualities that sum up to capacity to love are::
- Be ready to pay up: The willingness to give something up to gain something. It is still better if one is a giver by nature, without seeking returns.
- Be a team player: The willingness to lose individuality to a certain extent, so as to be an excellent team player.
- Be strong: The strength to take the truth and the possible consequences. Don’t blame your partner and others for the consequences. If sufficient reason says that the relationship will not work, then accept the fact. If you plan to be persistent, then attempt again!
- Be lovable: The willingness to adjust oneself to make others comfortable; that is, being considerate. Seek happiness of your partner before anything for yourself. Worry for your partner more than for yourself.
- Be trustworthy: Having sufficient self restraint, so as not to run behind the first man/woman that makes your heart beat uncontrollably.
- Be ready to learn: At each stage, you learn a new thing about life and love. Update yourself with the new knowledge. It is a plus if you are aggressive to acquire knowledge and wisdom.
- Be patient: The thought “life is running out” and being wacky about getting love in day should go! Don’t rush, it never helps.
- Be ready to expect the unexpected: Life and love are similar on this one count that they often take us places, leading us to newer and newer discoveries and definitions about ourselves, life, truth, world, nature, love and universe.
Ayan ang mga dapat paghandaan kung ikaw ay bahagyang nasasangkot sa true love na ito.
-siguro ay may naitulong na ako sa kanya. Kaya ikaw kaibigan , ayan ang post para sayo.
May iiwan akong kowt for you.
“True love is not how you forgive, but how you forget, not what you see but what you feel, not how you listen but how you understand, and not how you let go but how you hold on.”
OOHHH.. TADHANA. XD HAHA !
April 21, 2009
DESTINY .
What, in fact, is destiny? How is destiny made?
“Tadhana” ito sa tagalog , “unmei” sa Japanese , at wala na . di ko na alam kung saan pa. haha !
Destiny defined as a predetermined course of events considered as something beyond human power or control. Kaya maraming naniniwala dito. Kung sabagay, hindi naman natin sila masisisi. In the first place, wala naman mawawala sa atin kung maniniwala tayo dito. Karaniwan ng mga naniniwala ditto ay ang mga TEENAGERS, lalo na kung ang mga involved dito ay ang mga taong ka-admire admire para sa kanila.
In human society the saying, ‘Once a destiny has been decided it cannot be changed’ has been handed down. However, it still hasn’t been explained properly how a destiny is made or what kind of effect destiny has on people. So it’s a fact that people don’t have a correct understanding of destiny.
How can we change destiny?
Paano nga ba ?
Kung ating susuriin di naman natin mababago ang tadhana natin , di ba? Dahil eto talaga ang nakatakda sa atin na mangyari. SIYA ang nagplano sa lahat ng iyon kaya di natin ito mababago.
Pero sa aking pagsusuri, may pwede tayong gawin kung paano natin ito mababago.
First, we have to know how to make problems. Then, how are these problems made? First you have to know the numbers and then you have to understand the formula.
May mga tao naman na kpag mali o masama ang nangyayare sa kanila, namimisinterpret nila ang mga bagay bagay.
Therefore, no matter how much of a bad destiny someone has if they understand correctly what is, they won’t do things depending on their thought, but what is. If so, they can be free from their bad destiny. If they come to fully understand about their destiny and realize, “Doing this isn’t right. If I do this I’ll be harmed”, they don’t want to do anything to harm themselves.
Kaya mga kaibigan na nagbabasa nito, bear this in ur mind ..
“Destiny is the fact that what has happened to oneself accumulates in oneself again and again and becomes karma and the karma controls you.”
Before I end , let me share this quote :
“What God writes on your forehead you will become.”
kaya wag masyado papadala sa DESTINY huh. Lintik na yan . hehe . :]
ANONG KAILANGAN KONG GAWIN ?? :|
March 19, 2009
“Minamahal Kita”
nung una kitang makilala di man lang kita napuna,
di ka naman kasi ganoon kaganda, di ba?
simpleng kabatak, simpleng kabarkada lamang ang tingin ko sa ‘yo.
di ko talaga alam kung bakit ako nagkakaganito!
ako’y napaisip at biglang napatingin, di ko malaman kung anong dapat gawin!
dahan- dahan nag- iba ang pagtingin ko sa ‘yo,
gumanda ka bigla at ang mga kilos mo’y nakakapanibago! napansin ko na lamang na nalalaglag ang aking puso.
badtrip talaga! na- i- in lab ako sa ‘yo!
tuwing kita’y nakikita ako ay napapangiti, para bang gusto kong halikan ang iyong mga pisngi!
CHORUS :
minamahal kita! ba’t di ka maniwala?!
anong kailangan kong gawin upang seryosohin mo ang aking sinasabi tungkol sa pag- ibig ko sa ‘yo?
maniwala ka sana, minamahal kita!
nasira na yata ang ulo ko, kaiisip ko sa ‘yo
kahit saan tumingin ay mukha mo ang nakikita ko!
pero bakit para kang naiilang, ako ay iyong iniiwasan?
ako’y nahihirapan, wala namang ganyanan!
pakiramdam ko ngayon ako ay nagmumukhang gago!
ngayon ako’y nagsisisi kung bakit ako nag “i love you”!!!
kasi di na tayo tulad ng dati
ngayon sa akin ay diring- dire!
(CHORUS)
- wahaha . wLa lang .. naaliw kse cu sa kanta .. nkakareLate acu ng sobra. psenxa na. wLa kwenta ang post ku ngayun . :] bukas na cu mag post ng makabuLuhan. ok b yun ?? hehe ..
MAHAL NGA KITA IY :]
March 17, 2009
TORPEDO
“I CAN WAIT FOREVER.”Ang sarap pakinggan hindi ba? Lalo na kung ang magsasabi sa iyo nito ay ang taong kinaiintirisan mo. Para bang sinasabi niya na gusto ka niya makasama ng matagal..
Hindi ko alam kung bakit ako nag post sa blog na ito tungkol dito pero parang may nagtutulak sa akin na isulat ito. Magulo kasi ang utak ko ngayon. Maraming BAKIT sa buhay ko ngayon. Maraming TANONG na hindi masagot sagot. Maraming WHAT IF na pumapasok sa utak ko na posible talagang mangyari. Halo-halo na ang pumapasok sa utak ko. Para bang ‘nata de coco’ na nagsisilbing pinakamasarap mangyari sa problema kong ito, o di kaya naman ay ‘ube’ na minsan ay di masarap, na nagsisilbing mapait na karanasan na puwedeng mangyari. Pwede din ang ‘leche flan’ na pinakamatamis sa lahat ng nilalagay sa halo-halo, na nagsisilbing pinakamaganda na pedeng mangyari sa akin or sa amin rather.
Mahirap siya, alam niyo ba? Sana mabigyang kasagutan ang mga tanong sa akin. Mabuti na lamang at meron akong katulad ng naramdaman dati. Kaniya ko siyang nilapitan at nagtanong tungkol sa dinadanas ko ngayon. Naintindihan niya ko dahil ganitong ganito din siya dati. Ang sabi niya ‘mahirap talaga’ pero TIME will tell
kung ano ang tamang kasagutan sa akin ngayon.
Sasabihin ko na ang problema ko. Marahil ay naguguluhan na kayo sa sinasabi ko dahil wala pa kong binabanggit. Kung ang lintik na LOVE ang nasa isip mo ay tama ka. I guess wala namang point ang blog na ito. Gusto ko lang malabas ang nararamdaman ko. Dahil unang-una, NAHIHIYA ako sa taong iyon. Sa tana ng buhay ko sa kaniya lang ako nagsabi ng DI SINASADYA. Pangalawa, SORRY dahil hindi ko naman sinasadya. Sana ok lang sa kaniya. Nakikita kong ok naman kahit paano. Pangatlo, TOTOO naman ang sinasabi ko. Nasa kaniya na iyon kung maniniwala siya o hindi.
I hope na maayos na ito sooner or later. Magulo pa din kasi e.. haay. Hindi ko masabi ang pinaka point ko. Bahala na kayo umintindi sa post na ito. Hanggang dito muna siguro. Salamat ulit bigan ! :]
LA FAMILIA. XD
March 14, 2009
LA FAMILIA
Close family ties? Never ko tong naranasan. Kung sa mga pinsan pwede pa, pero kung sa mga ibang family member ko masasabi kong hindi ko nadanas kahit minsan ang katagang ito. Nakakainggit nga minsan ang mga nakikita kong pamilya na super close sa isa’t isa. Hindi ko kasi maintindihan kung bakit ganito ang pamilya ko. Hindi nagkakaroon ng time para mag bonding. Hindi ko din masuri kung bakit hindi katulad nila ang pamilya ko. Nagbibiruan, nagtatawanan, naghaharutan, naglalandian, at gumagawa ng kasiyahan. Hindi ko binibigyan ng masamang kahulugan ang pamilya ko. Sinasabi ko lang ang totoong nadadanas ko.
Broken family? Isa ako sa mga ganoon. Noong una ay di ko alam ang dahilan kung bakit. Ang alam ko lang namulat na lang ako sa katotohanan na hiwalay na talaga ang mommy at daddy ko. Hindi ko maiwasang mainggit sa mga kaibigan ko kapag nakikita ko silang masaya kapag magkakasama. Kahit kalian, hindi pa ako lumabas, lumaboy nagouting, nagmall kasama ang tunay kong mommy at daddy. Yung tipong ONE BIG HAPPY FAMILY. Haaay! Ang hirap talaga… kulang ako sa pagmamahal ng isang ‘daddy’ o kaya ‘mommy’ lumaki kasi ako sa lola at lolo ko. Kung kalian ako tumanda at tsaka ko lang nalaman na wala nap ala talaga. Hindi na maibabalik ang matagal ko ng hinihiling. Lagi kong tanong sa kanya, ‘Bakit hindi ako nabigyan ng ganoong klaseng pamilya?’ ang binigay niyang sagot sa akin ay ‘dahil ika’y kakaiba, may mga bagay kang hindi mo makikita sa iba’. Sana nga tama siya. May natatago pa din sa akin na kakaiba. Isang araw lang na kasama ko sila masaya na ako. Basta maranasan ko lang ang kompletong pamilya. Walang sagabal, walang problema, masaya. Ano kayang feeling noon?
Understanding? I hope malawak ang ganiyan ng mga tao sa paligid ko. Para may peace of mind ako. Pero parang kahit iyon pinagkakait sa akin. Hindi ko alam kung bakit basta ako yun ang gusto kong gawin nila sa akin. Ang intindhin ako sa aking mga ginagawa. Paano sila maniniwala sa akin, kung sila mismo, walang ibang gustong gawin kundi maghinala? Ang gulo diba? Magulo talaga. Palagi nila sinasabi, ‘hindi ka naman talaga gagawa ng project. Maglalakwatsa ka lang. kung san san ka nanaman pupunta.’ Sige nga, paano ka magkakaroon ng gana gawin ang mga dapat mo gawin kung mismo sila di ka nila naiintindihan. Haaaay! It’s so miserable.
Care? Ramdam ko ito dito. Pero parang sobra naman ata. Dahil kapag may kailangan ako gawin hindi ako nakakapunta sa dapat na meeting place namin kasi hindi sila pumapayag. Sobrang stict kasi nila. Nakakasakal minsan. Pero ika nga ng akin magiting na ama: ‘just follow their rules. Diyan ka nakatira.’ Anu pa nga ba ginagawa ko. Kundi sunod dito, sunod doon. Ang hirap. Wala akong kalayaan. Hindi naman siguro ako gagawa ng kalokohan. Hindi naman ako ganoong klase ng tao.
Trust? Kulang na kulang sila diyan. Kagaya ng nabanggit ko kanina, paano sila maniniwala kung puro sila hinala? Nakukuha niyo ba ang point ko? Akala kasi nila puro ako kalokohan. Palagi na lang hinala. Hinala ditto, hinala doon. Umuwi ka lang ng gabi. Mga naghihimutok na sa galit. Akala mo palagi my ginagawa kang mali. Saglit ka mawala sa bahay akala mo nagalayas ka na kung pagalitan ka. Ewan ko na lang. Ako na lang umiintindi. Kahit hindi ko talaga maintindihan.
Tatapusin ko na nga ito. Masyado ng mahaba. Sana nailabas ko na ang mga sama ng loob ko. Computer na lang siguro kakausapin ko. Mas valid na hindi siya sumagot dahil bagay lang siya. Pero atleast nasabi ko sa kanya ang mga hurt feelings ko. Sana di kayo nalungkot sa blog na ito. Salamat sa pagabsa.
EDITING YO ! :] HAHA .
March 13, 2009
Editing yO !
Movie sa Physics pinagkakaabalahan namin
Kasama si Bryan, Gellie, Crystal, at si Patrick na patpatin.
Kahit komplikado ay masaya pa din,
Pagod at hirap ay di iniintindi.
Kakaibang project para sa amin ito,
Dahil lahat kami ay naninibago.
Di kasi kami sanay magpagod ng ganito
Kaya nama’y lahat kami sumasakit ang ulo.
Si Bryan na director ay laging galit,
Pero kahit minsan ngiti ay sumisingit.
Si Gellie na isang bungisngis sa grupo,
Samahan pa ng tawa ni Lou na umaatikabo.
Si Carlo na nagmamasungit,
Lahat sa ami’y para siyang galit.
Hindi namin alam kung bakit
Sa amin siya’y parang nagngingitngit.
Si Eldrin na laging wala,
Hindi niya nakikita ang aming ginagawa
Tila paghihirap nami’y di niya alintana
Kasi nga lagi siyang wala.
Si Raffy na isang geek
Sa aming movie sa Physics
Siya ang aming bida doon
Sinasabi ko sa inyo magaling kami dito.
Si Lady ang camera man
Sinasabing siya ay mayaman
Pero parang hindi naman
Iyon ang aking kaalaman.
Si Patrick na buraot,
Siya ay mahilig mangurot.
Lahat kami’y lagi niyang hinaharot
Kaligayahan namin siya ang may dulot.
Si Aeriel na inglisera
Sinasabing siya ay mapera
Si Carol na walang malay
Sa grupo nami’y para siyang patay.
Si Paul Gene na isa pang bida
sa amin siya’y kakaiba
Si Trixy naman na napakahinhin
Pero di iyon ang tunay niyang damdamin
Si Venj na isang kikay
Pero di naman siya isang garutay
Si Crystal na makulit ang tawa
Sa kahit anong joke siya’y tuwang-tuwa
Si Ian na laging trip manlibre
Kahit di naman kami nagpapalibre
Si Reven na matakaw sa pagkain
Masiba siya kung aming tawagin.
Haaaay! Ang sarap talaga ng feeling
Kapag lahat kayo’y willing..
Makatapos sa project na ito
Para makapasa na kahit paano.
At dito na nagtatapos,
Ang tulang ito,
Nga pala, pamagat nito’y
Editing yo !
- yan ang bunga ng pgkadesperada na mtapos ang movie sa physics ! muhahaha .